LOADING
Sa wakas.
Yehey!
Napalundag ako sa tuwa.
May magpaglilibangan na ako kahit holidays.
Second hand lang po yun. Hindi galing sa mga malls o dun sa mga booth na nagbebenta ng ps2. Binili ko lang sa kaibigan ko. Tutal hindi na niya nagagamit yun. Saka galing yun sa dayuhang bansa, Amerika po (ang drama ko noh?!), regalo ata na tita niya.
Tuwang-tuwa ako nang dumating yun sa amin, via LBC (ang sosi!). Laro agad ako, pili ng games, tapos loading, tapos ayan, laro na. Pindot, pindot, pindot, pindot, hanggang magsawa ka.
Pero di yata ako nagsawa. Magdamag ako naglaro. Madaling araw na ako natulog ( buti na lang hindi ako sinigawan ni mama). One Piece, Resident Evil, Onimusha, Shining Force, Grandia, Valkyrie Profile 2, God of War, etc. etc. Madami nga, pero hindi lahat natapos ko.
Para sa mga game addict, natural naman na uumagahin ka sa kalalaro ng mga walkthrough games tulad ng mga nabanggit. Mahaba yun story, minsan isang buwan bago mo matapos yan kung tipid ka sa kuryente o kaya kung madami kang ginagawa.
Nang magsawa ako sa Valkyrie Profile, sa hindi ko muna babanggitin na dahilan, naglaro ako ng God of War.
Hanep! Astig! Brutal talaga!
Di ata to pwede sa mga menor de edad kasi nga may "blood and gore" talaga. Violent graphics minsan kahit maganda yun story line. Bahala na ang mga magulang na magpasya. Ingatan nyo lang kung ano yun mga nilalaro ng mga anak nyo sa ps2.
Malapit na tayo dumating sa climax ng aking blog entry.
Ganda talaga ng "god of war." Maaksyon. Nakakaexciting. Hampas dito, hampas doon. Tumagal ata ako ng 2 o 3 araw sa kalalaro. Dumating ako sa stage na kung saan nakita ko si "Atlas" kilala nyo? Sa Greek mythology, pasan niya ang daigdig. Tapos, medyo napagod na yata ako sa kalalaro kaya natulog na ako pagtakatpos ko i-save yun stage na kung nasaan ako. Pinatay ko yun tv at ps2 tapos zzzzzzzzzz.....
Nang magising ako, kain muna. Routine ko yan. Di kumpleto ang umaga pag walang laman sikmura ko.
Tapos, balik laro ulit. Yehey!
Isinaksak ko yun mga kurdon, binuksan yun tv at ps2, yan god of war na ulit.
Pinindot ko yun "load" sa main menu. Excited... handa na ako sa panibagong eksena sa ps2 na ala-babangon ako't dudurugin kita! Pinindit ko yun stage na na-i-save ko... yan naaaaaaaaa.....
WALA!!!
Oo wala! Ayaw mag-load! Nabagsakan yata ako ng bato-bato sa langit. Inulit ko uli, ganun din.
Napamura ako (wag nyo na tanungin kung ano). Basta napamura talaga ko sa tagal. Excited kasi... sino ba naman ang hindi mapapamura, maasar, maiinis o kaya mabubuwisit sa tagal ng kaantay lalo na kung excited ka.
Buti na lang may extra DVD na pareho ang title, sinubukan ko yun, ayaw pa rin... mura ulit.
May iba pang DVD, sinubukan ko ulit, ayaw pa rin... P*#@$%^&% (Parental Guidance is Highly Recommended).
Inis na inis talaga ako. Kahit ano gawin ko ayaw talaga mag-load. Naku naman.
Nag-text tuloy ako sa mga kaibigan ko, ala "Lovingly Yours, Helen" ang eksena. Sinabi ko na ayaw mag-load ng game kahit ano gawin ko. Sabi nila ganun din daw sila.
Kaya pala eh.
Ito yata yun napapala ng mga bumibili ng pirated.
Naparusahan yata ako.
Bili na lang ako ng orig... iba kasi pag original.